Collecionista Tagalog
I
Ooh….Ikaw na bulong sa aking himig
Iaging manatili at ikubli
Upang saki’y mapaunawa ang tunay na awit ng iyong dibdib
Refrain:
Hatid mo ay misteryong puno ng tamis
Parang halik ang iyong tinig
Chorus:
Kung araw may maghintay, at ulap ay tumamlay
Kahit pa sa ilusyon, ang tinig mo sya ang dinig
Di ko nais na mangarap pa, isang minuto di ko hawak iyong kamay
Haplos sa awit mo ang syang taglay
At kung tayo’y di man magkita, sa awitin mo’ng ito madarama ang pagsinta, basta , sana, sana, sana wag lang sa iba
II
Ikaw, syang tibok ng aking tinig
Sa puso ko’y yaman, mamalagi
Upang sayo’y ipaunawa ang galak dito saking dibdib
Refrain:
Hatid mo ay misteryong puno ng tamis
Parang halik ang iyong tinig
Chorus:
Kung ikaw ay magbago, at ninais lumayo
Pakiusap ko lamang, iwanan mo sakin ang awit mo
Di ko nais na mangarap pa, isang minuto di ko hawak iyong kamay
Haplos sa awit mo ang syang taglay
At kung tayo’y di man magkita, sa awitin mo’ng ito madarama ang pagsinta, basta wag lang sa iba
Bridge:
Isa lang naman ang nais ko, ang binubulong ng puso ko
Na sa bawat hakbang ay tayo ang magkasama
Oh oh
Coda:
Di ko nais na mangarap pa, isang minuto di ko hawak iyong kamay
Haplos sa awit mo ang syang taglay
At kung tayo’y di man magkita, sa awitin mo’ng ito madarama ang pagsinta, basta, sana, sana, sana, wag lang sa iba
Tweet
Comments